Thursday, March 3, 2011

Flutter

Napanood mo ba yung movie na "The Butterfly Effect"?
Yung bumabalik si Ashton Kutcher sa nakaraan
Tapos babaguhin nya yung gusto nyang baguhin, itatama nya.
Pero pagbalik nya sa present time, maiiba din.
Tapos manginginig sya at dudugo ang ilong.

Ilang beses na ba natin hiniling na "sana makabalik ako nung... para itama ang ..."
Na sana hindi na lang nangyari yung ganito
Mas mabuti sana kung ito yung pinili ko
Dapat pala nakinig ako sa kanya 
Ano kaya ang naging buhay ko kung ganito yung ginawa ko?
Yung mga ganung factor.
Sabi nga dun sa pelikula
Change one thing. Change everything.

Just Wondering.