Tuesday, February 22, 2011

Suicide

Isang rason kung bakit tayo nagpapatuloy at nananatili na gawin ang isang bagay ay ang mga sarili nating dahilan.
Kasi masaya.
Kasi masarap.
Kasi madali.
Kasi maayos.
Kasi mahal ko sya.
Kasi 
Kasi
Kasi


Pero ang pinaka-olats sa lahat, yung ginagawa mo ang isang bagay na hindi mo alam kung para saan.
Maski wala ng dahilan.
Maski wala ng rason.
Pero nanatili at nagpatuloy ka pa rin.


Para kang nakipag truth or dare
Pinaikot ang bote
Sa iyo tumapat.
Pinili mo ang dare kasi ayaw mong malaman nila kung sino ang crush mo.
Inutusan kang tumalon sa building.
At sumunod ka naman.

Sunday, February 20, 2011

CHRONO CROSS

Thus the curtain closes on another tale,
An eternity has passed.
Fleeting dreams fall into the distance...
All that is left now is me and my memories

But I'm sure we'll meet again,
Someday, You and I
Another place, another time
It's just that we might not realize that you are you and I am me

Let us open the door to the great unknown,
Come across another reality and live another today...
Even when the story has been told,
Life goes on..

Friday, February 18, 2011

Hey Mean Girl

How are you? I noticed you've changed. A lot, actually.

You've been flirting a little more than usual even when you're on a date.
Complaining about your job and how exhausting it is while others struggle to get one.
Breaking hearts here and there.
Forgiveness seems a very hard thing for you to give away lately.
It looks like money is all that matters to you now.
How you look, how people are gonna see you, what they're gonna say.
You smile when others compliment you.
You think about those things pretty much all the time.
Loud music, drinking on an empty stomach, dancing.
That's your thing, I get it.
It seems like a very nice escape.
Especially when you're covering something up - your loneliness.

But hey, mean girl, never forget who you are.
How many friends you have, how many people like you because you're just... you.
How simple and funny you are even without the expensive things you buy.
That's how you earned your friends. By being who you are.
And yes, you may have been played and fooled and hurt by some guys.
But never make that a reason to become evil and to hate.
There's someone out there.
You two just haven't met yet.
Keep that in mind.

You know what, you might want to take a break.
Look away from those blinding lights.
Stop being a Regina George, her hair color wouldn't match your skin tone.
Forget about that LV bag you want, and start paying your credit card down.
Turn the music volume down and listen to your friends.

Time to get your feet back on the ground, missy.

Monday, February 14, 2011

Gambling Lord

Kapag sumugal ka,


Walang kasiguruhan na mananalo ka.


Kasi, yung iba mandaraya.


Yung iba, maswerte. Unang taya pa lang, jackpot na.


Iba naman, ilang ulit munang matatalo bago manalo.


May mga pagkakataon na kakabigin ng iba ang lahat ng taya mo, at wala ng bumalik sayo.


Pero ang mahalaga, magtira ka ng pantaya.


Wag mong itodo pati pato.


Para kung matalo ka man, may pantaya ka pa sa susunod.


Baka sakaling swertehin ka na.


Malay mo.



Wednesday, February 9, 2011

Anong Gusto Mong Maging Paglaki Mo?

Naaalala mo ba nung bata ka?
Ang pinaka big deal na sayo eh kung makakakuha ka ba ng regalo mula kay Santa Claus.
O di naman kaya eh iiyak ka ng malakas, maski maraming tao pagka di ka binili ng laruan. 
Minsan naman, namomroblema ka kasi pinapatulog ka na ng nanay mo maski ayaw mo pang matulog.
Kapag may nakagalit ka na kalaro mo, ilang minuto lang bati na ulit kayo.
Kung tamarin kang pumasok sa eskwelahan, nagcucutting classes ka pa.
Ang tanging bagay na kinatatakutan mo ay ang white lady, manananggal, tiyanak, etc.




Pero hindi tayo habambuhay na bata.
Lumilipas ang panahon, at napakabilis nito na hindi mo namamalayan, tinutubuan ka na ng buhok sa kung anumang bahagi ng katawan mo.




Tumatanda tayo. At kasama neto ang responsibilidad. Hindi lang sa sarili mo, sa ibang tao, sa sitwasyon, sa pamilya mo. Mapapansin mo,
Ang pinaka big deal sayo eh kung may trabaho ka ba, kung may sinesweldo ka ba, kasi dun ka na kukuha ng ipangbubuhay mo sa sarili mo at sa pamilya mo.
O di naman kaya eh iiyak ka ng patago, kasi nasaktan ka, o nakasakit ka, o napakabigat ng problema mo.
Minsan naman, mamomroblema ka kung paano ka hahanap ng oras para makatulog, puro trabaho.
Kapag nakagalit mo ang kaibigan mo, patatagan kung sino ang unang mag sosorry. Minsan inaabot ng taon, minsan wala ng pag asang magka ayos.
Kung tamarin kang pumasok sa opisina, wala kang choice. Papasok ka pa rin. Kailangan kumita.
Ang tanging bagay na kinatatakutan mmo eh yung mawala ang mga mahal mo sa buhay.




Ang bilis ng takbo ng oras. Nung mga bata tayo, nagmamadali tayong lumaki para magawa na natin ang gusto natin at maging malaya. Yung walang magulang na sasaway satin at magbabawal.


Ngayon, hinihiling natin minsan na bumalik na lang sa pagkabata para magaan lang ang buhay at walang problema, walang pasakit. At hihilingin pa natin minsan na sana andyan si nanay at tatay para may matakbuhan tayo.


Panahon nga naman.











Tuesday, February 1, 2011

Ganun Talaga

Kadalasan madami tayong tanong na ang hirap hanapan ng sagot.


May mga pangyayari  na ang hirap hanapan ng paliwanag kung bakit nangyari.


May mga kamalasan na nangyayari na pwede namang hindi na lang nangyari, pero nangyari pa rin.


Tatanungin natin kung bakit nangyari.


Sa sarili natin, sa mga kakilala natin, sa mga kaibigan natin.


Magtanong man tayo ng walang humpay, walang makakasagot.


Sasabihin lang nila,


"Ganun talaga."


Tapos tatahimik ka na.


Kasi, ganun lang talaga.