Wednesday, February 9, 2011

Anong Gusto Mong Maging Paglaki Mo?

Naaalala mo ba nung bata ka?
Ang pinaka big deal na sayo eh kung makakakuha ka ba ng regalo mula kay Santa Claus.
O di naman kaya eh iiyak ka ng malakas, maski maraming tao pagka di ka binili ng laruan. 
Minsan naman, namomroblema ka kasi pinapatulog ka na ng nanay mo maski ayaw mo pang matulog.
Kapag may nakagalit ka na kalaro mo, ilang minuto lang bati na ulit kayo.
Kung tamarin kang pumasok sa eskwelahan, nagcucutting classes ka pa.
Ang tanging bagay na kinatatakutan mo ay ang white lady, manananggal, tiyanak, etc.




Pero hindi tayo habambuhay na bata.
Lumilipas ang panahon, at napakabilis nito na hindi mo namamalayan, tinutubuan ka na ng buhok sa kung anumang bahagi ng katawan mo.




Tumatanda tayo. At kasama neto ang responsibilidad. Hindi lang sa sarili mo, sa ibang tao, sa sitwasyon, sa pamilya mo. Mapapansin mo,
Ang pinaka big deal sayo eh kung may trabaho ka ba, kung may sinesweldo ka ba, kasi dun ka na kukuha ng ipangbubuhay mo sa sarili mo at sa pamilya mo.
O di naman kaya eh iiyak ka ng patago, kasi nasaktan ka, o nakasakit ka, o napakabigat ng problema mo.
Minsan naman, mamomroblema ka kung paano ka hahanap ng oras para makatulog, puro trabaho.
Kapag nakagalit mo ang kaibigan mo, patatagan kung sino ang unang mag sosorry. Minsan inaabot ng taon, minsan wala ng pag asang magka ayos.
Kung tamarin kang pumasok sa opisina, wala kang choice. Papasok ka pa rin. Kailangan kumita.
Ang tanging bagay na kinatatakutan mmo eh yung mawala ang mga mahal mo sa buhay.




Ang bilis ng takbo ng oras. Nung mga bata tayo, nagmamadali tayong lumaki para magawa na natin ang gusto natin at maging malaya. Yung walang magulang na sasaway satin at magbabawal.


Ngayon, hinihiling natin minsan na bumalik na lang sa pagkabata para magaan lang ang buhay at walang problema, walang pasakit. At hihilingin pa natin minsan na sana andyan si nanay at tatay para may matakbuhan tayo.


Panahon nga naman.











16 comments:

Anonymous said...

Napaka-dramatic. Pati mga spaces at mga line breaks, madrama. Pero true, lahat nagigiging baliktad as we grow up. Di maiiwasan yun.

egG. said...

haayyyy... sana nga... kahit ako gusto ko bumalik sa pagbata..

pero ganun talaga ang buhay

isang malaking haayyyy na nga lang...

namiss ko tuloy kabataan ko puro laro lang ako ng laro..... pero hanggang ngayon din naman hahaha :D

Seth said...

@ Will - "Napaka-dramatic. Pati mga spaces at mga line breaks, madrama." --LIKE! :)

Wala naman ako regrets sa kabataan ko. Pagdating sa pagiging "gay", personal choice ko ito, hindi ako inabuso etc. Lahat halos ibinigay sa akin, ngayun naman mas gusto ko ako maghirap para makuha ko gusto ko... kasi mas pinapahalagahan ko yun.

Marami kayang masasayang bagay ang di pwedeng gawin ng mga bata? hehehe

Pag tumanda pa ako, di ko iisipin na sana 26 ako ulit. I was at my best when I was 26! I'm smarter now...

Kinda sorta like that

(From Tuesdays with Morrie)

my-so-called-Quest said...

funny i read somewhere that when we were kids we were though by our love ones how to speak but when we got older and uhm wiser that's the time we kept silent, distant, and sometimes away from people that matters to us.

panahon nga naman.

at natamaan ako sa trabaho... aray. hehe

Nishi said...

isa din ako sa mga mahilig magbalik-tanaw. maganda kasi nakikita kung paano ka nag-grow. basta ba hindi ka nito napipigilan sa pagsulong.

Carlo said...

will pagbigyan mo na! minsan lang ako mag drama hehe.

egg ako din maski 1 week lang maging b ata ulit. yung walang pasok sa work. lol saya siguro nun

seth masaya lang magbalik tanaw, seeing how we got from there to here ;)

doc ced ay sorry naman pareng doc, di ko naman sadya hehe.

nishiboy trueeeeeeeeee

Rj Balboa said...

konti nalang, hindi na rin ako bata. :( ramdam ko na mga responsibilidad. :)

claudiopoi said...

naks naman carlo. madrama ang post na ito. pero in fairness, hindi naman ako umiyak nung bata ako pag hindi ako ibinili ng laruan. kasi down to earth kami eh. haha. :) keedeeng.

childhood is fleeting. and as we get older, we realize that it's an effd up world. but we just have to get by. because we simply need to. :))

Sai said...

naks. iba talaga nauubusan ng pera gumagaling lalo magsulat.

di bale. nakatatlong pantalon ka naman. lapit na susunod na sahod :)

Lone wolf Milch said...

sarap maging bata sana may foutain of youth potion,

gillboard said...

gusto ko alalahanin yung pagkabata ko. pero narealize ko mas masarap maging adult.

although madaming responsibilities, problema etc pero mas masarap na maging malaya.

it's the way we perceive things i guess.

Sean said...

Pag nakakarinig ako ng lumang kanta, nalulungkot ako dahjil naaalala ko yung time na lmagi lang akong masaya. Kahit wala na magulang ko, tumatakbo pa rin ako sa kanila thru prayer.

Dil said...

tama. nung bata ako gusto ko nang lumaki para magawa ang gusto ko. nung tumanda na ako gusto ko ulit maging high school hahaha...

daan ka din sa blog ko. kung pwede xlinks kung may espasyo pa sa blog mo. salamat po! =)

Carlo said...

RJ lapit na graduation mo! ilang days na lang :)

clyde ikaw na ang down to earth. you already. himala yata at hindi ka nag skip read? hahaha

notes feom the house, ikaw ba yan sai? hehe

hard saka ko na hahanapin ang fountain of youth potion pag tipong 90 yrs old nko lols

gillboard minsan lang pag tinotopak ako gusto ko maging bata ulit hehe.

sean ako din! ako din!

dencio salamat sa pagdalaw sa aking blog :)

KristiaMaldita said...

I miss my childhood!!
habang binabasa ko to nag flashback
ang aking memory sa aking kabataan..

nice post! :)

pa follow na rin :)

Nhil said...

"Nung mga bata tayo, nagmamadali tayong lumaki para magawa na natin ang gusto natin at maging malaya. Ngayon, hinihiling natin minsan na bumalik na lang sa pagkabata para magaan lang ang buhay at walang problema, walang pasakit."

that's the irony of life. great post, by the way. :)